Mahigit 7,000 katao ang nakiisa sa “Takbo para sa West Philippine Sea” na idinaos sa Pasay City kahapon araw ng Linggo.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman for WPS Commodore Jay Tarriela., ito ang patunay na ang karaniwang mga Pilipino ay gumagawa rin ng paraan upang suportahan ang laban sa West Philippine Sea.
Sigurado rin umano na magiging nakatataba ito ng puso para sa mga sundalo ng bansa.
Kasabay nito’y sinabi ng PCG official na layunin ng aktibidad na magpalaganap ng awareness o kaalaman sa mga ginagawa ng gobyerno sa pagtatanggol sa WPS.
Pagkatapos sa Pasay City, idaraos ang 2nd leg ng “Takbo para sa West Philippine Sea” sa Cebu City sa Aug. 4., at 3rd leg sa Cagayan de Oro sa Sept. 8.
Bukod dito, sinabi ni Tarriela na nais din ng ilang lokal na pamahalaan na magsagawa ng sariling bersyon ng takbo para sa WPS, at ito umano ang positibong senyales na nagkakaisa na ang buong Pilipinas para sa ating teritoryo.