Nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P8.52M na halaga ng liquid cocaine sa Pampanga.
Sa statement, sinabi ng BOC na naaresto rin ng kanilang mga tauhan mula sa Port of Clark, kasama ang PDEA agents ang 32-anyos na Colombian na nakumpiskahan ng 1,608 grams ng liquid cocaine.
Sinabi ng Customs na ang pagkaka-diskubre sa droga ay matapos isailalim sa derogatory report mula sa PDEA ang shipment na ideklara bilang “clothing remindershat capi product.”
Sa physical examination, nakita ang tatlong plastic na bote na may lamang madilaw na likido na kinumpirma ng pdea na nagtataglay ng cocaine.