dzme1530.ph

June inflation, bumagal sa 3.7%

Bumagal sa 3.7% ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at bayarin, noong Hunyo, kahit patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang June inflation rate ay mas mababa sa 3.9% na naitala noong Mayo, sa kabila ng mas mabagal na pagtaas sa bayarin sa kuryente, tubig, petrolyo, at bahay, pati na rin sa transportasyon.

Pasok pa rin naman ang June inflation sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 3.4 hanggang 4.2% para sa naturang buwan.

Sinabi ni PSA Usec. at National Statistician Dennis Mapa na ang presyo ng food and non-alcoholic beverages ay nagkaroon ng mas mataas na annual increase na 6.1% noong Hunyo mula sa annual increment na 5.8% noong Mayo.

Para sa unang anim na buwan ng 2024, ang average inflation sa bansa ay nasa 3.5%.

About The Author