dzme1530.ph

NSC, tiniyak na walang nakaambang hypersonic missile attack ang China sa Pilipinas taliwas sa babala ni Sen. Marcos

Tiniyak ng National Security Council na walang nakaambang pag-atake ang China sa Pilipinas.

Ito ay matapos ibabala ni Sen. Imee Marcos na posibleng maging target ng Chinese hypersonic missile attack ang 25 lugar sa bansa, bilang bwelta sa pag-apruba ng gobyerno sa pagdaragdag ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Ayon kay NSC Spokesman at Assistant Dir. – Gen. Jonathan Malaya, nananatiling maayos ang relasyon ng Pilipinas at People’s Republic of China, at kapwa ito nangangako sa pag-resolba sa mga pagkakaiba-iba.

Kaugnay dito, wala umano silang nakikitang anumang planong pag-atake mula sa Tsina.

Mababatid na ilan sa mga tinukoy na lugar ni Sen. Imee na umanoy target ng hypersonic missile attack ay ang Ilocos Region, Batanes, at Subic.

About The Author