dzme1530.ph

Rep. Quimbo, Baronda, nagpahayag ng suporta sa bagong DepEd Chief

Buhos pa rin ang pagbati mula sa hanay ng mga kongresista kay Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, na hinirang bilang bagong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Kabilang sa bumati ay si Marikina City Rep. Teacher Stella Luz Quimbo, na nabalitang isa rin sa mga ikinunsidera ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa pwesto.

Ayon kay Quimbo, kagaya niya na advocate for quality education, excited siya sa pagpasok ni Sen. Angara sa bago nitong tungkulin.

Ang masidhing commitment nito sa sektor ng edukasyon at exemplary track record sa public service ay sapat para sabihing nasa mabuting kamay ang DepEd.

Magagamit aniya ni Angara ang mga natutunan nito bilang produkto ng “prestigious local at international universities,” para mapa-angat ang edukasyon sa Pilipinas, gaya ng legasiyang iniwan ng kanyang namayapang ama na si late Senate President Edgardo Angara.

Binati rin ni Iloilo City Lone Dist. Rep. Jam Baronda ang incoming DepEd secretary.

Ayon kay Baronda, Sangguniang Kabataan President pa lamang siya ay kilala na nito si Angara, na Law student noon.

Pinasalamatan din ng Ilongga legislator si Pangulong Marcos sa paghirang kay Angara na inilarawan nito bilang qualified, experienced, at visionary leader na akma sa DepEd at sa nilalayon ng Bagong Pilipinas.

About The Author