Tiniyak ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez sa Philippine Air Force at sa buong Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi pababayaan ng Kongreso sa annual national budget ang modernization at welfare program nito.
Ito ang siniguro ni Romualdez ng dumalo ito bilang Guest of Honor sa 77th Anniversary Celebration ng Philippine Air Force kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro.
Ayon kay Romualdez na lahat ng legislative support ay kanilang ibibigay upang maitaguyod ang modernisasyon sa AFP at maisaayos ang kondisyon ng mga sundalo.
Dagdag ng House Speaker, ang security apparatus ng Pilipinas ay dynamic, robust, at forward-looking kaya naman binalangkas nila ang Comprehensive AFP Modernization Plan para maging equip ito ng makabagong teknolohiya at nakatugon sa ‘modern battlefield.’
Aniya, ang commitment na ito ay mangangailangan ng malaki-laking budget allocations para sa advance aircraft, cutting-edge radar system, at state-of-the-art equipment.