Inihayag ni Ret. Judge Jaime Santiago, ang panibagong accomplishment mula sa isang cybercrime operation human trafficking, kung saan nailigtas dito ang 7 menor de edad na nakatakdang iinquest at ipresenta sa media ngayong Lunes para sa kabuuang detalye.
Nabatid na sa loob ng halos higit 2 linggong mula ng manumpa si Santiago sa bilang director ng NBI, kabi-kabila na ang mga nagawa nitong accomplishment., kabilang na dito ang pagkakaaresto sa 3 hacker na responsable sa paghack sa mga website ng gobyerno at mga bangko, at 3 illegal na minero, finger prints ni Mayor Guo, drugs, at iba pa.
Aminado ang NBI Director na malaking hamon sa kanila ang paglaban sa lumalaganap na cybercrime attack sa bansa, kaya’t ito ang unang kanyang naging priority simula ng tanggapin nito ang posisyon bilang director ng NBI.
Isinusulong rin ni Santiago ang digitalization upang pabilisin ng hanggang 2-oras sa proseso ng NBI Clearance, ngunit, problema pa rin ang mga fixer na kadalasang nag-proproseso sa mga taong may hit status sa NBI, at naniningil ng mahal na presyo, kaya’t mabusisi ang kanilang ginagawang pagsisiyasat.
Bukod dito ipinag-utos din nito sa kanyang mga tauhan ang pagdaragdag ng IT sa kanilang hanay, kung saan nais ng NBI na mag-hire o kumuha ng mga kabataang mahuhusay at magagaling sa larangan ng computer.
Ito’y ilan lamang sa marching orders sa kanya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. at ng DOJ para sa pagpapaganda ng serbisyo ng NBI at ibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya.