dzme1530.ph

PBBM, sinaksihan ang capability demonstration ng PH Air Force sa Pampanga

Sinaksihan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang live capability demonstration ng Philippine Air Force sa Pampanga ngayong Lunes.

Ito ay kasabay ng paggunita sa ika-77 Anibersaryo ng Hukbong Himpapawid ng bansa.

Bandang 9:30 ng umaga nang dumating ang Pangulo sa Cesar Basa Air Base sa Floridablanca.

Sa nasabing seremonya, ipinakita ng Air Force ang iba’t ibang drills tulad ng territory retaking, air strikes to detect, track, and neutralize enemy aircraft, intelligence reconnaissance and surveillance of unmanned aerial vehicles, at troop insertion via ‘black hawk’ helicopters.

Ipinasilip din ang ground-based air defense system o ang Israeli-made spyder mobile air defense system.

Samantala, iprinisenta rin ang plaques at streamers sa 17 awardees.

Nakasama ng Commander-in-Chief sina Defense sec. Gibo Teodoro, National Security Adviser Eduardo Año, AFP chief-of-staff Gen. Romeo Brawner Jr., PH Air Force Commander Lt. Gen. Stephen Parreño, House Speaker Martin Romualdez, at service commanders ng militar.

About The Author