dzme1530.ph

Kampo ni expelled Cong. Arnie Teves Jr., inaasahang maghahain ng mosyon sa extradition request ng PH Gov’t

Inaasahang maghahain ng mosyon ang kampo ni expelled Cong. Arnie Teves Jr., laban sa extradition request ng Philippine gov’t na inaprubahan na ng Timor Leste.

Ayon kay Dep’t of Justice Spokesman Asec. Mico Clavano, binibigyan ng 30-araw ang kampo ni Teves para maghain ng mosyon.

Kung ihahain umano nila ito ngayong Lunes, umaasa ang DOJ na dedesisyunan ito ng Court of Appeals ng Timor Leste bago matapos ang linggo.

Gayunman, kung sasagarin nila ang buong 30-araw ay maaaring sa katapusan pa ng Hulyo ito madesisyunan, at sa katapusan pa rin ng buwan maiuuwi si Teves.

Ang dating kongresista ay nahaharap sa patong-patong na kasong murder kaugnay ng pamamaslang kay former Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

About The Author