dzme1530.ph

Unang batch ng Pinoy seafarers ng MV Transworld Navigator na inatake ng Houthi rebels, nakauwi na sa bansa

Nakauwi na sa Pilipinas ang 5 mula sa 27 Filipino seafarers ng MV Transworld Navigator na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea.

Ang unang batch ng Pinoy seafarers mula sa Liberian-flagged and Greek-owned cargo ship ay ni-repatriate sa pamamagitan ng Emirates flight na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kahapon.

Ang mga umuwing seafarers ay sinalubong ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Inihayag ni DMW Asec. for Sea-based OFW Concerns Jerome Pampolina na pabalik na rin sa bansa ang mga naiwang tripulante na ang iba ay naka-schedule dumating bukas habang ang isang batch ay sa Miyerkules ng hating gabi ang flight.

About The Author