dzme1530.ph

Rate increase sa NAIA, wala pang linaw —MIAA

Nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) na wala pa silang natatanggap na bagong polisiya mula sa Public Private Partnership ng Ninoy Aquino International Airport kaugnay ng pagpapatupad ng taas-singil sa paliparan.

Ayon kay MIAA spokesperson Atty. Chris Bendijo ang naturang isyu ay ini-evaluate pa sa cabinet level at hindi muna sila magbigay ng komento bilang respeto sa pag-proseso ng evaluation.

Wala pa aniya silang maibibigay na impormasyon kung kailan mailalabas ang eksaktong petsa ng desisyon para sa rate increase ng airport.

Binanggit din ni Bendijo na kailangang makita muna ang improvement ng paliparan bago magpatupad ng rate increase sa mga concessioner ng NAIA.

Tuloy na rin aniya ang turn-over sa September sa San Miguel Corporation para sa gagawing rehabilitation ng NAIA.

About The Author