Biyaheng Visayas si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Huwebes para sa pagpapatuloy ng pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.
Tutungo ang Pangulo sa Dumaguete City, Negros Oriental upang i-turnover ang iba’t ibang tulong.
Bibisita rin si Marcos sa San Jose Antique, at sa Bacolod City.
Bukod sa mga magsasaka at mangingisda, tatanggap din ng tulong pinansyal ang mga kaukulang lokal na pamahalaan.
Makakasama ng Pangulo sina Agriculture sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., DSWD sec. Rex Gatchalian, DILG sec. Benhur Abalos, at mga lokal na opisyal.
Samantala bago ang biyahe sa Visayas ay dadalo muna si Marcos sa National Employment Summit sa Manila Hotel.