dzme1530.ph

GDP, inaasahang tataas ng 1.38% sa pagpapalawak ng internet connection sa bansa

Inaasahang tataas ng 1.38% ang Gross Domestic Product ng bansa sa pagpapalawak ng internet connection, sa ilalim ng inaprubahang Philippine Digital Infrastructure project.

Ayon sa Dep’t of Information and Communications Technology, kapag mayroong internet sa isang lugar ay tumataas din ang consumption dahil sa presensya ng e-commerce.

Ini-halimbawa ni DICT Usec. Jeffrey Ian Dy ang Metro Manila kung saan dahil sa internet ay nagagamit ng publiko ang online services tulad ng Grab at Lazada.

Bukod dito, makikinabang din umano sa e-commerce maging ang mga magsasaka at sari-sari store owners.

Sa ilalim ng PDIP, itatatag ang 772 free WiFi sites na karamihan ay ilalagay sa mga liblib na lugar sa Mindanao.

About The Author