Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-reserba ng bahagi ng lupa sa Tondo, Maynila, para sa ownership at development projects ng Dep’t of Human Settlements and Urban Development.
Inilabas ng Pangulo ang Proclamation no. 610 na nagre-reserba sa Lot 4-A land portion para sa urban development ng DHSUD.
Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Dep’t of Environment and Natural Resources.
Binigyan din ng awtorisasyon ang DENR Sec. na maglabas ng kaukulang special patent sa bahagi ng lupa para sa township development projects ng housing dep’t.
Itatatag din ang project Inter-Agency Committee na pamumunuan ng DHSUD habang magiging mga miyembro ang DENR at City Gov’t ng Maynila, at ito ang maaatasang bumuo ng Implementing Rules and Regulations at pumili sa mga benepisyaryo ng housing development.