Hinikayat ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. Ang Toll Regulatory Board (TRB) na bilisan na ang paglalabas ng resolusyon hinggil sa pagpapatupad ng 30-day toll holiday sa ilang bahagi ng CAVITEX.
Hunyo 21 pa nang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang inisyatiba ng Philippine Reclamation Authority na siyang operator ng CAVITEX na isuspinde muna ang paniningil ng toll fee sa ilang bahagi ng expressway upang matulungang mapababa ang gastusin ng publiko na dumadaan dito na labis na apektado ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Umaapela si Revilla sa TRB na bilisan ang pag isyu ng resolusyon para sa pagpapatupad ng cavitex toll holiday.
Hindi na anya dapat madelay ang pagpapalabas ng resolution lalo na ang mismong Pangulong Marcos ang nag atas na ipatupad ito.
Iginiit ni Revilla na malaking bagay ito para mabawasan ang gastusin ng mga motorista.
Inihayag ng Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC), na subsidiary ng PRA, na kapag inilabas ng TRB ay agad nilang mipatutupad ang 30-day toll suspension.