Siniguro ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez na aaprubahan nila bago matapos ang 19th Congress, ang tatlo pang natitira sa 28 LEDAC priorities ng Marcos Administration.
𝟱𝘁𝗵 𝗟𝗘𝗗𝗔𝗖 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 : Meeting with Congress and Senate leadership on the status of the Administration’s priority bills
Kalayaan Hall, Malacañan Palace | June 25, 2024
Posted by Bongbong Marcos on Tuesday, June 25, 2024
Sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting ngayong Hunyo 25 sa Malakanyang, may limang nadagdag na panukala sa LEDAC priorities na sa kabuuhan ay nasa 64 priority measures na.
Kinabibilangan ito ng Amendments to the Foreign Investors Long-Term Lease Act, Amendments to Agrarian Reform Law, Archipelagic Sea Lanes Act, Reforms to the Philippine Capital Markets, at Amendments to the Rice Tariffication Law.
Kabilang sa mahalagang panukala ang Amendments sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na nasa ngayon ay nasa Technical Working Group, Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na-ratified na ang BiCam report, habang ang Anti-Financing Accounts Scamming Act ay minarapat ng Kamara na i-adopt na lamang ang bersyon ng senado.
Bukod kay Romualdez dumalo rin sa LEDAC meeting sina Senate President Francis “Chiz” Escudero, mga miyembro ng Senado at Kamara, at mga kasapi ng gabinete.