dzme1530.ph

Yaman ni Mayor Alice Guo, dapat i-freeze

Inirekomenda ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pag-freeze sa mga asset ni suspended Bamban Mayor Alice Guo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa sinasabing kaugnayan nito sa niraid na POGO hub sa Tarlac.

Sinabi ni Estrada na dapat ikunsidera ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagpapalabas ng freeze order sa lahat ng ari-arian at yaman ng alkalde.

Ito ay upang mapangalagaan ang integridad ng public funds at matiyak ang accountability kasabay ng pagpapatupad ng transparency.

Mahalaga anya itong aksyon upang maiwasan ang anumang disposisyon sa posibleng illegally acquired assets na posibleng maisalang sa imbestigasyon.

Una nang inihayag ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian ang pangangailangan na imbestigahan din ang pagkakasangkot ni Guo sa money laundering.

Ito ay makaraang mabigo na rin ang AMLC na mamonitor at mapigilan ang pagpasok sa bansa ng P6.1 bilyong halaga ng pondong inilaan sa konstruksyon ng Baofu Land Development Inc. na pag-aari ni Guo.

About The Author