Aarangkada na ang mobile laboratory ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas na pangangasiwaan ng City Health Office (CHO) para mas ilapit ang pagbibigay ng komprehensibong pangangalaga sa kalusugan ng mga Las Piñeros.
Iikot sa iba’t ibang barangay ng lungsod ang bagong Las Piñas Lab on Wheels, na magbibigay ng karagdagang seguridad sa kalusugan ng mga residente.
Ayon kay Mayor Mel Aguilar kabilang sa mga libreng serbisyong alok ng Las Piñas Lab on Wheels ay ang Chest X-ray, ECG, fasting blood sugar at cholesterol.
Malaking tulong anya ayon pa kay Vice Mayor April Aguilar ang lab van na ito partikular sa panahon ng medical mission ng lokal na pamahalaan na bababa sa mga barangay sa lungsod.
Bibigyang-prayoridad nina Mayor Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang naturang proyekto upang siguruhing maihatid ang libre at dekalidad na mga serbisyo sa mga residente.
Matatandaang June 11,2024, pinabasbasan ng LGU ang bagong Las Piñas Lab on Wheels ng CHO kasabay ng mga bagong environmental vehicles ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na kinabibilangan ng pitong compactor trucks, dalawang mini dump trucks, at isang manlift truck.