Isang perfect replacement para tumulong sa pagtugon sa malalaking hamon sa sektor ng edukasyon ang dapat ang susunod na maitatalaga bilang kalihim ng Department of Education (DepEd)
Ito ang iginiit ni Sen. Alan Peter Cayetano kasabay ng pahayag na umaasa siyang hindi makakaabala ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd Secretary sa paghahanda ng ahensya para sa nalalapit na pagbubukas ng bagong school year.
Tiwala ang senador na dahil propesyunal na kawani ng DepEd ay ipagpatuloy ang mga gawain para sa maayos na pagsisimula ng school year 2024-2025.
Samantala, nangako naman si Sen. Imee Marcos na sasamahan niya ang Bise Presidente sa kabila ng tuluyang paglayo nito sa gabinete ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
Kinumpirma ng senador na nagkausap na sila ni VP Duterte at umuwi na muna aniya ng Davao ang kanyang kaibigan.
Hanggang ngayon din aniya ay nalulungkot siya na tuluyang nahati ang UniTeam.