dzme1530.ph

Suspensyon ng paniningil ng toll fee sa CAVITEX, malaking tulong sa mga motorista

Ikinatuwa ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr ang desisyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na suspindihin ang koleksyon ng toll sa ilang bahagi ng Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX).

Sinabi ni Revilla na malaking tulong ito sa publiko upang makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Una nang inanunsyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang 30 araw na suspensyon ng paniningil ng toll fee sa ilang bahagi ng CAVITEX.

Nagpasalamat din ang senador kay Pangulong Marcos dahil batid niya ang kalagayan at dinaranas ng ating mga kababayan, lalo na ang ordinaryong tao.

Ipatutupad ang toll holiday sa Taguig, Parañaque, Las Piñas, at Kawit.

Kasabay nito, pinuri rin ni Revilla ang patuloy na infrastructure development sa buong bansa partikular sa Cavite at Southern Luzon.

Sinabi ni Revilla na ramdam na ramdam na ang mga makakabuluhang proyekto ng pamahalaan habang inaabangan na rin ng mga Caviteños ang pagtatapos ng LRT Line 1 Extension na inaasahang magpapabilis ng transportasyon.

About The Author