dzme1530.ph

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair naghatid ng tulong sa Bislig City, Surigao del Sur

Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez ang 20th Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Bislig City, Surigao del Sur na tatagal ng dalawang araw.

Si Romualdez na major proponent ng BPSF ay kinatawan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa okasyon kasama ang 77 House members at local executives sa CARAGA Region.

Umaabot sa 560-M pisong halaga ng programa at serbisyo ang ipinamamahagi sa mga recipients ng BPSF sa Bislig City at 244-milyon nito ay cash assistance.

Sa kabuuhan, 46 national agencies ang nakilahok sa programa dala ang 217 services na pinakinabangan ng mahigit sa 90,000 beneficiaries.

Bukod kay Romualdez, namahagi rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkaloob ng payouts ng Assistance In Crisis Situation (AICS) sa 64,000 individuals na nagkakahalaga ng 216-million pesos.

Ayon naman kay BPSF National Secretariat at House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada, Jr. ito na ang ika-20 probinsya na dinayo at hinatiran ng Serbisyo Fair ng pamahalaan at determinado umano si Speaker Romualdez na puntahan ang lahat ng 82 provinces sa buong bansa.

About The Author