Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at maging sa international agencies upang masigurong natututukan ang paghahanap sa nawawalang marino ng MV Tutor.
Ayon kay OWWA Admin Arnell Ignacio, gagawin ng OWWA ang lahat na makakaya nito para mahanap ang nawawalang Pinoy.
Dagdag pa rito, ang OWWA Regional Office, sa pangunguna ni NCR Regional Director Ma. Teresa Capa, ay nagpapatuloy sa regular na pag-uupdate sa pamilya tungkol sa progreso ng Search and Rescue Operations.
Naging emosyonal naman ang pamilya ng nawawalang Pinoy seafarer nang magtungo ang mga ito sa tanggapan ni OWWA Admin. Arnell Ignacio.