dzme1530.ph

Bilang ng kabataang gumagamit ng vape, planong pag-aralan kasunod ng naitalang unang vape-related death sa bansa

Pina-plano ng Dep’t of Trade and Industry na pag-aralan ang bilang ng kabataan sa bansa na gumagamit ng vape.

Ito ay kasunod ng naitalang kauna-unahang vape-related death sa Pilipinas, o ang isang 22-anyos na lalaki na inatake sa puso bunga ng malalang injury sa baga dahil sa vape.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, ipina-alala ni DTI Assistant Secretary Atty. Amanda Nograles na ipinagbabawal ang pagbebenta ng vape sa mga menor de edad, sa ilalim ng Republic Act no. 11900.

Kung matutukoy umano ang bilang ng kabataang gumagamit ng vape ay malalaman din nito ang bilang na kailangang tutukan at mapigilan.

Gayunman, sa ngayon umano ay tanging ang mga nagbebenta ng vape at hindi ang bata ang maaaring hulihin.

Kaugnay dito, ang sinuman umanong makakakita ng nagbebenta ng vape sa kabataan ay maaaring magsumbong sa [email protected], o sa DTI consumer care hotline 1384.

About The Author