Asahan ng mga motorista ang heavy traffic sa kahabaan ng Mindanao Avenue simula sa June 29, araw ng Sabado, matapos ianunsyo ng Department of Transportation na isasara nila ang dalawang outer lanes ng kalsada.
Ipinaliwanag ng DoTr na ang pagsasara ng dalawang outer lanes ay upang bigyang daan ang konstruksyon ng Tandang Sora Station ng Metro Manila Subway Project (MMSP).
Ayon sa ahensya, maaapektuhan ng konstruksyon ang mga bahagi ng Congressional Avenue at Tandang Sora Avenue.
Sa advisory, nakasaad na maaaring gamitin ng magagaan na sasakyan ang bagong gawang diversion road para ma-offset ang closure ng outer lane ng Mindanao Avenue.
Pinayuhan din ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa construction area.