dzme1530.ph

MMDA, may alok na P10K kapalit ng pangalan at kinaroroonan ng bogus na traffic enforcer

Nag-alok ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang P10,000 pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng isang lalaki na umano’y nangikil ng pera mula sa isang motorista matapos magpanggap na traffic enforcer.

Binigyang diin ng ahensya na ang lalaking na-video-han, at viral na ngayon sa social media, ay hindi bahagi ng MMDA.

Maaring magpadala ng personal na mensahe o direct message sa MMDA Facebook page.

Sa viral video, hinanapan ng motorista at kasama nito ang pekeng enforcer ng ID, subalit bigla na lamang umalis ang bogus na traffic enforcer.

About The Author