dzme1530.ph

Bagong NBI Dir. Jaime Santiago, tututukan ang pagresolba sa Cybercrime

Tututukan ng bagong talagang direktor ng National Bureau of Investigation na si Retired Judge Jaime Santiago ang pagtugon sa Cybercrime sa bansa.

Sinabi ni Santiago na tututukan niya ang mga insidente ng Online Scams, alinsunod sa marching orders mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inihayag din ng dating trial court judge na inaasahan niyang magiging proactive ang NBI at mahuhuli ang mga scammer bago pa man makapambiktima.

Tutulungan din aniya ng NBI ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagtugon sa illegal gambling sa bansa.

Samantala, hiniling naman ng pinalitan ni Santiago na si Medardo de Lemos na ipagpatuloy ng bagong pinuno ang mga ginawa ng NBI at ng Department of Justice para ma-extradite si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. mula sa Timor Leste para harapin ang mga kaso nito sa Pilipinas.

About The Author