dzme1530.ph

SSS, maglulunsad ng 500 pesos Retirement Savings Scheme

Maglulunsad ang Social Security System (SSS) ng Retirement Savings Scheme.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihayag ni SSS Vice President for Benefits Administration Division Joy Villacorta na ang retirement savings scheme ay maaaring magsimula sa 500 piso kada hulog.

Pwede ring gawing monthly, quarterly, o yearly ang paghuhulog.

Sinabi rin ni Villacorta na walang lapsation ang savings scheme kaya’t pwede pa rin itong ituloy kahit maputol o pumalya sa paghuhulog ang pensioner.

Papayagan din ang early withdrawal ng kontribusyon kung ang miyembro ay nakakalimang taon na sa paghuhulog.

Sa mga interesadong miyembro, maaari umano silang mag-enroll sa website ng SSS.

About The Author