Nanindigan si Senate Majority Leader Francis Tolentino na walang karapatan ang China na magpatupad ng anumang domestic law sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa mga kalapit nitong bansa kabilang na ang Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng paggiit ng China na aarestuhin at ikukulong ang mga dayuhan na papasok sa kanilang mga inaangking teritoryo kabilang na ang ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS)
Iginiit ni Tolentino na maituturing ito na paglabag sa maraming International Law ang pagpapatupad ng China ng fishing ban at Anti-trespassing Law sa South China Sea kabilang na ang humanitarian, human rights laws at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Kaugnay nito, kinondena ng senador ang pagharang ng China sa mga mangingisdang Pinoy na pumalaot sa kanilang traditional fishing grounds sa Bajo de Masinloc.
Sa kabilang dako, hinikayat din ng mambabatas ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resourses (BFAR) na pag-aralan na ang iba pang posibleng alternatibong pagkakakitaan ng mga apektadong mangingisda sa gitna ng on-going territorial dispute sa West Philippine Sea.