Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gavan ang pagde-deploy sa BRP Malapascua at BRP Sindangan sa Scarborough Shoal, na kilala rin bilang Panatag Shoal o Bajo de Masinloc.
Ipinaliwanag ni PCG Spokesman Rear Admiral Armand Balilo, na ang deployment ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Ayon kay Balilo, nakausap ng PCG Personnel ang dalawang lokal na mangingisda sa bisinidad ng shoal, at tiningnan din nila ang kalagayan at operasyon ng FBCA Princess Yhan-Yhan na mayroong 12 crew at FBCA Rundel-1 na may pitong tripulante.
Aniya, pinag-usapan din ang banta ng China Coast Guard na aarestuhin ang mga dayuhang mangingisda sa West Philippine Sea.
Tiniyak naman ng PCG na bibigyan nila ng proteksyon ang mga Pilipinong mangingisda sa kanilang paghahanap-buhay.