dzme1530.ph

Meralco, may tapyas-singil ngayong Hunyo, taliwas sa naunang anunsyo

Asahan ng mga kabahayang sineserbisyuhan ng Meralco ang 1 peso at 96 centavos per kilowatt hour na tapyas sa kanilang electric bill ngayong buwan ng Hunyo.

Sa advisory, sinabi ng Meralco na ang bawas singil ay bunsod ng implementasyon ng staggered collection ng generation costs mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ayon sa kompanya, inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang lahat ng distribution utilities at electric cooperatives sa bansa, na hatiin ang collection charges na saklaw ng WESM purchases sa supply month ng Mayo sa apat na equal monthly installments simula sa billing ng Hunyo hanggang Setyembre.

Bunsod nito, asahan ng Meralco customers ang bumabang power adjustment sa kanilang bill, sa halip na 64 centavos per kilowatt na taas singil na una nilang inanunsyo noong nakaraang linggo.

Para sa residential customers na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour, ang adjustment ay katumbas ng P392 na kabawasan sa kanilang total electricity bill.

Sa kabila naman ng downward adjustment ngayong Hunyo, sinabi ng Meralco na asahan ng customers ang mas mataas na generation charges sa susunod na tatlong buwan.

About The Author