dzme1530.ph

Barko ng Pilipinas binangga umano ang isang Chinese ship sa WPS ayon sa China

Binangga umano ng Barko ng Pilipinas ang isang Chinese ship sa Second Thomas Shoal ayon sa China.

Sinabi ng China coast guard na isang resupply ship ng Pilipinas ang mapangahas na pumasok at lumapit sa barko ng China kahit na makailang ulit na itong binigyang-babala.

Paulit-ulit umanong lumapit ang barko ng Pilipinas sa Chinese ship na nagresulta sa pagbanga nito.

Wala namang sinabi ang China kung may naitalang pinsala at nasugatan sa insidente.

Samantala, kinukumpirma pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may katotohanan ang insidente.

Ang Second Thomas Shoal o Ayungin shoal ay bahagi ng West Philippine Sea na inaangkin ng China.

About The Author