dzme1530.ph

Mga labi ng tatlong OFW na nasawi sa sunog sa Kuwait, nakatakdang damating ngayong araw

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na darating mamayang hapon, June 17, ang mga labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi sa sunog sa Al-Mangaf area sa Kuwait City.

Inaasahang 4:15 mamayang hapon lalapag ang flight EK-332 lulan ang tatlong mga labi ng OFW at ibababa ito sa isang bodega sa pair-pags sa NAIA complex.

Kaugnay nito ipinag-utos ni OWWA Administrator Arnell Ignacio sa OWWA Kuwait Post na asikasuhin ang letter of acceptance ng Next of Kin, at iba pang mga kinakailangan dokumento para sa mabilis na pagpapauwi ng labi ng tatlong OFW.

Inatasan din ang mga Regional Welfare Offices na makipag ugnayan kaagad sa kanilang mga kaanak upang mabigyan ng agarang tulong at suporta.

Tiniyak din ni Ignacio na maagap na tinugunan ng OWWA ang pangangailangan ng iba pang OFWs at kanilang pamilya na naapektuhan ng sunog.

About The Author