Darating sa bansa ngayong Lunes, Hunyo 17, ang 21 mula sa 22 Filipino seafarers mula sa MV Tutor vessel na inatake ng Houthi Rebels sa Red Sea at Gulf of Aden.
Ayon sa Department of Migrant Workers, dumating noong Sabado ang mga Pinoy sa port of Manama, at lahat sila ay nasa maayos na kalagayan.
Sinalubong sila ni Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis, at sasamahan sila pauwi ni DMW Labor Attaché Hector Cruz.
Mababatid na na-rescue noong Biyernes ng pinagsamang pwersa ng iba’t ibang bansa ang 21 tripulanteng pinoy.
Samantala, sa ngayon ay hinahanap pa rin ang nalalabing isa pang Pinoy seafarer.