Hindi takot ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Anti-tresspassing policy at Fishing Ban ng China sa mga inaangkin nitong teritoryo sa West Philippine Sea na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Inabisuhan ng AFP ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang regular na pangingisda at paglalayag sa karagatan na sakop ng bansa at huwag magpatinag sa banta ng China na paghuli sa mga papasok sa kanilang inaanking teritoryo simula Hunyo 15.
Siniguro naman ng AFP ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea, katuwang nito sa pagbabantay at pagpapatrolya sa ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine Coast Guard, Philippine National Police, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang masiguro ang kaligtasan at karapatan ng mga Pilipinong manginigsda.