dzme1530.ph

Legislative priorities tinalakay sa unang pagpupulong nina Escudero at Romualdez

Natuloy na ang unang opisyal na pag-uusap sa pagitan nina House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez, Senate President Francis “Chiz” Escudero, at iba pang opisyal ng Kongreso at ehekutibo sa Aguado Residence sa Malakanyang.

Tinawag ni Speaker Romualdez na ‘significant step’ para sa pagkakaisa at kolaborasyon ng dalawang kapulungan ang pag-uusap kasama ang ilang mga pangunahing opisyal.

Excited si Romualdez sa magandang kalalabasan ng partnership nila ni Escudero lalo na at ‘committed’ silang pagtibayin ang mga kinakailangang panukala na mapapakinabangan ng mamamayan.

Bukod sa dalawang lider, dumalo din sa pagpupulong sina Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino, House Majority leader Manuel “Mannix” Dalipe, Jr., Deputy Speakers Dong Gonzales, Jr., Jay-Jay Suares, Appropriations Panel Chairman Zaldy Co, PLLO Sec. Mark Mendoza, House Sec. Gen. Reginald “Reggie” Velasco, at Senate Secretary Renato Bantug.

Gayunman, pauna pa lamang ito dahil ang malakihang pagpupulong ay gaganapin sa Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC Meeting sa Hunyo 25.

About The Author