Iginiit ni Sen. Francis Tolentino ang pangangailangan na itaas ang lokal na produksyon bukod sa agarang pagdaragdag ng suplay ng luya upang labanan ang pagtataas ng presyo ng produkto.
Una nang pinuna ni Tolentino ang pagtaas ng presyo ng luya sa P320 bawat kilo mula sa dating P220 kada kilo.
Ipinaliwanag ng Department of Agriculture sa Senador na ito ay bunsod ng tumataas na demand mula sa mga manufacturer na sinabayan ng mababang suplay dahil sa limitadong importasyon.
Sa tala ng DA, mula sa dating 5,000 metric tons na importasyon ng luya ay bumaba ito 400 metric tons na ngayon ay iniimbestigahan na ng Bureau of Plant Industry.
Sinabi ni Tolentino na kailangan ding maiasaayos ang post-harvest facilities tulad ng storage at refrigeration systems upang makatulong sa tumataas na demand.
Idinagdag ni Tolentino na tumataas ang demand sa luya dahil sa dumaraming ginger-based products tulad ng turmeric tea.