dzme1530.ph

Pagkilos ni PBBM para iban ang POGO, napapanahon na

Muling hinimok ni Sen. Joel Villanueva si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan nang kumilos at iban na ang POGO operations sa bansa.

Sinabi ni Villanueva na panahon nang manindigan ang gobyerno at sipain na ang mga POGO upang maideklara ng bansa na malaya na tayo sa mga negatibong dala nito.

Idindagdag ni Villanueva na sa kabila ng mga hakbang ng pamahalaan, talamak pa rin ang mga ilegal na operasyon ng POGO, at marami pa rin sa mga ito ay nasasangkot sa mga krimen katulad ng kidnapping, prostitusyon, at scams kasama na ang malawakang money laundering activities.

Simula pa naman anya sa umpisa ay hindi na handa ang PAGCOR na iregulate ang operasyon ng online gambling ventures.

Taong 2016 pa anya ay naglabas na sila ng pangamba sa iregularidad ng POGO at ngayong ilang taon na ang lumipas ay lumala pa ang dala nitong kriminalidad.

Hinimok din ni Villanueva anng kanyang mga kasamahan sa Senado na suportahan ang nakapending na committee report na nagsusulong na iban ang POGO sa bansa at ang panukala na nagmamandato na ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling.

About The Author