Puspusan nang pinag-aaralan ng Department of Budget and Management (DBM), ang compensation and benefits study, na magpapatupad ng taas-sahod ng mga kawani ng pamahalaan.
Ayon sa DBM, nabibilang sa mga pinag-aaralan ang compensation system sa sweldo, mga benepisyo at allowances.
Kino-konsidera rin ng ahensya, kung paano mapabubuti ang kapakanan at productivity ng mga manggagawa sa oras na mapataas ang kanilang compensation.
Ang resulta nito, ay magsisilbing batayan sa kung kailangan bang magkaroon ng pagbabago sa total compensation framework ng mga empleyado ng gobyerno.