Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Luneta Maynila.
Alas-8 ng umaga dumating ang pangulo sa Rizal Park, upang pangunahan ang flag-raising ceremony.
Nag-alay din ito ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal.
Matapos nito ay bumalik din ang pangulo sa Malacañang para sa vin d’honneur alas-10 ng umaga, na dadaluhan ng mga miyembro ng diplomatic corps.
Mamayang alas-5 ng hapon ay tutungo naman ang pangulo sa Quirino Grandstand, para sa grandiyosong Independence Day Parade tampok ang makukulay na floats mula sa iba’t ibang lalawigan.
Ito ay susundan ng “Musikalayaan” concert tampok ang ilang Filipino artists tulad ng P-Pop girl group na Bini.
Ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ngayong taon ay may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”.