dzme1530.ph

Online Voter Registration sa susunod na taon, posibleng hindi matuloy —Comelec

Posibleng hindi pa makapagparehistro Online ang mga bagong botante sa susunod na taon.

Ito ayon kay Comelec Chairman George Garcia, imposible pa ang automated at online system registration para sa May 2025 Elections.

Sa ilalim ng Republic Act 8189, nakasaad na ang mga indibidwal na gustong magparehistro ay kailangang personal na magtungo sa registration sites para makapagbigay ng kanilang kumpletong personal na impormasyon, biometrics at panunumpa.

Dagdag pa ni Garcia, magkakaroon ng mahabang diskusyon at katanungan kung sa aplikante ba talaga nanggaling ang biometrics kung gagamit ito ng online voters registration.

Habang sa ngayon, inaaral pa rin ng Comelec ang posibilidad na makapanumpa online ang mga aplikante.

About The Author