Mariing pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) na pinalaya na si Arnolfo Teves Jr.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, ipinaliwanag ni DOJ Undersecretary Margarita Gutierrez na ang panandaliang pagpapalaya at muling pag-aresto kay teves ay bahagi lamang ng proseso ng Timor Leste.
Taliwas umano ito sa ipinakakalat ng kampo ni Teves na pinalaya na nang tuluyan ang dating kongresista.
Pinaalalahanan ng DOJ ang abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand topacio na siya ay nananatiling isang opisyal ng hukuman at dapat itong kumilos ng tama alinsunod sa kanyang integridad.
Kumpiyansa rin ang DOJ na magiging matagumpay ang extradition request kay teves at maide-deport din ito sa Pilipinas.