Nag-iwan ng mahigit P226-M halaga ng pinsala sa imprastraktura ang sunod-sunod na lindol sa Davao de Oro.
Ito ani PDRRMO head Joseph Randy Loy ay batay sa kanilang initial rapid damage assessment.
Inihayag ni Loy na libo-libong pamilya sa lalawigan ang nananatili pa rin sa mga evacuation center.
Ang buong Davao de Oro ay isinailalim sa State of Calamity bunsod ng sunod-sunod na lindol na nagdulot ng pinsala sa daan-daang kabahayan noong mga nakalipas na linggo.