dzme1530.ph

Legislative Agenda para sa LEDAC, tatalakayin ng liderato ng Senado at Kamara

Nakatakdang magkita ngayong linggo ang mga lider ng Senado at Kamara upang talakayin ang mga panukalang ilalatag nila sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa June 25.

Ayon kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero, tentative schedule ng kanilang pulong ay sa Huwebes, June 13.

Bukod sa kanila ni House Speaker Martin Romualdez, kasama rin sa pulong si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senate Majority Leader Francis Tolentino at ang kanilang counterparts kasama na ang secretariat nila.

Sinabi ni Escudero na tatalakayin nila ang mga posible nilang maging priority bills na ilalatag sa LEDAC.

Sa datos mula July 24, 2023 hanggang May 22, 2024, nasa 41 panukala ang nilagdaan bilang batas kung saan 18 ang national in scope.

Sa record naman ng Senado hanggang May 22, nasa 14 na panukala na nasa LEDAC priority ang pending pa rin sa kanilang hanay.

About The Author