dzme1530.ph

OPAPRU Chief Carlito Galvez Jr., ipapadalang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland

Ipadadala ng Pilipinas si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito Galvez Jr. bilang kinatawan sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.

Ayon sa Malakanyang, si Galvez ang haharap sa Global Peace Summit na gaganapin sa June 15-16.

Ito ay dadaluhan din ng iba’t ibang state leaders at mga opisyal ng ibang bansa, at inaasahang tatalakayin ang mapayapang pag-resolba sa giyera ng Russia at Ukraine.

Mababatid na una nang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang partisipasyon ng Pilipinas sa Peace Summit, sa pag-bisita sa bansa ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy noong nakaraang linggo.

Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ng Palasyo ang dahilan kung bakit hindi mismong ang Pangulo ang dadalo sa Summit.

About The Author