dzme1530.ph

PCG at Marina, pinagsusumite ng plano kaugnay sa monitoring at inspeksyon nila sa mga sasakyang pandagat

Hiniling ni Sen. Raffy Tulfo sa Philippine Coast Guard at sa Maritime Industry Authority (MARINA) na magsumite ng detalyadong plano kung paano nila imomonitor ang mga sasakyang pandagat.

Nais ng mambabatas na malaman mula sa mga ahensya ng gobyerno kung paano nila isasagawa ang safety inspection sa watercraft vessels upang maiwasan na ang anumang aksidente.

Pinatitiyak ni Sen. Tulfo sa mga ahensya ng gobyerno na wala nang magaganap na insidente ng paglubog ng mga watercraft dahil sa overloading o dahil sa kawalan ng sea worthiness.

Dapat din aniyang tiyaking may sapat na life jackets at iba pang life-saving devices ang mga watercraft na babiyahe sa karagatan.

About The Author