dzme1530.ph

P190-M Presidential Assistance, ipinamahagi sa Region 2

Ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mahigit sa 190 milyong pisong na halaga ng Presidential Assistance sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño sa Cagayan Valley.

Pinangunahan mismo ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong sa Ilagan City sa Isabela ngayong lunes, at personal na iniabot ang tig-50 milyong piso na Cheke sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya, 30.92 million pesos sa Quirino, at 10 million pesos sa sa Batanes.

Ipinamigay din ang tig-10,000 pesos na ayuda sa mga benepisyaryo mula sa AICS Program ng Department of Social Welfare and Development.

Tiniyak naman ni Marcos na makikinabang ang mga magsasaka sa planong pagpapababa sa Taripa sa mga inaankat na bigas, kaakibat ng Rice Competitiveness Enhancement Fund sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

About The Author