dzme1530.ph

Panukala na nagbabawal sa paggamit ng mobile device at electronic gadgets sa oras ng klase, isinusulong sa Senado

Inihain na ni Sen. Win Gatchalian ng panukalang naglaayong ipagbawal ang paggamit ng mobile device at electronic gadgets sa oras ng klase.

Sa ilalim ng proposed Electronic Gadget-Free Schools Act o Senate Bill no. 2706, mandato sa Department of Education na bumalangkas ng mga polisiya na nagbabawal sa paggamit ng mobile devices at electronic gadget sa loob ng mga paaralan sa oras ng klase.

Saklaw nito ang mga mag-aaral ng Kindergarten hanggang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ipagbabawal din sa mga guro ang paggamit ng mga mobile devices at electronic gadgets sa oras ng klase.

Bagama’t naniniwala si Gatchalian na mahalaga ang papel ng mobile devices at electronic gadgets sa edukasyon, binigyang diin niya na maaari rin silang makapinsala sa pag-aaral, lalo na kapag nakakaabala sila sa oras ng klase.

Ngunit may mga pagkakataon namang maaari pa ring gumamit ng smartphones at electronic gadgets tulad kung mayroong classroom presentation at iba pang mga gawain, mga sitwasyong may kinalaman sa kalusugan o kapakanan.

About The Author