dzme1530.ph

Bulkang Kanlaon, nananatili sa alert level 2

Nilinaw ng PHIVOLCS na nananatili sa alert level 2 ang bulkang Kanlaon sa Negros island.

Ginawa ng PHIVOLCS ang paglilinaw para paalalahanan ang publiko na hindi pa sila nagtaas muli ng alerto sa Mount Kanlaon.

Sa ilalim ng alert level 2 o increasing unrest, posible ang magmatic eruption at posibleng maisama sa danger zone ang iba pang mga lugar na nasa loob ng five-kilometer active vent ng bulkan.

Itinaas ng PHIVOLCS sa level 2 mula level 1 ang alerto ng Kanlaon noong lunes ng gabi, kasunod ng pagputok nito na tumagal ng anim na minuto at nagbuga ng limang kilometro ng taas ng plumes.

About The Author