Tatlo sa bawat apat na Pilipino ang ikinu-konsidera ang China bilang pinakamalaking banta sa Pilipinas, isang paniniwalang hindi natitinag simula noong December 2023.
Sa resulta ng survey ng OCTA research noong Marso, lumitaw na 76% ng 1,200 adult respondents ang naniniwala na China ang top threat sa bansa.
Bahagya naman itong mas mababa kumpara sa 79% na naitala noong Disyembre.
Sinabi ng polling firm na lumobo ng 17% ang bilang ng mga Pinoy na itinuturing ang China bilang biggest threat, mula nang una silang mag-survey tungkol dito noong October 2022 kung kailan naitala ang 59%.
Inilabas ang findings sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.