dzme1530.ph

Dating Health Sec. Duque, hindi pa makalulusot sa isyu sa Pharmally

Hindi pa nagagawang linisin ni dating Health Secretary Fracisco Duque III ang sarili sa anumang posibleng pagkakasangkot sa iregularidad sa paglilipat ng pondo sa Procurement Service ng Department of Budget and Management para sa pagresponde sa COVID-19.

Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros, ito ay makaraang bawiin ni Duque ang kaniyang pahayag na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na ilipat ang higit sa P47 bilyon COVID funds sa PS-DBM noong 2020.

Ilang oras makaraang ihayag ito ni Duque sa pagdinig ng Kamara, agad niyang binawi ang pahayag at iginiit na taken out of context ang kaniyang sinabi.

Dahil dito, sinabi ni Hontiveros na back to square one muli ang imbestigasyon dahil sa umaasa sana sila na si Duque na ang magsisilbing resource person o whistle blower sa sinasabing anomalya sa pagbili ng mga anti-COVID items tulad ng mga Personal Protective Equipment (PPE).

Pagkakataon na aniya ni Duque na i-redeem ang kaniyang sarili at linisin ang bahid sa DOH na dati niyang institusyon, ngunit dahil sa kaniyang pagbawi sa pahayag ay sa kanya muli nakatutok ang mga alegasyon.

About The Author